Serye sa Araling Panlipunan para sa Mataas na Paaralan
Ang seryeng ito sa Araling Panlipunan para sa mataas na paaralan ay nagtataglay ng mga katangiang inaasahang makatutulong sa pag-aaral at higit na pag-unawa sa mga pangyayari sa kasaysayan at lipunan.
Author/s
Kasaysayan ng Mundo: Teresita C. Valencia
Mga Kontemporaneong Isyu: Atty. Gerard Michael O. Zaraspe at Teresita C. Valencia
Ekonomiks Para sa Umuunlad na Pilipinas: Gerard Michael O. Zaraspe
Coordinator: Ma. Teresa C. Bayle; Project Director: Sr. Josefina F. Nebres, ICM
Level/s
High School
Copyright
Kasaysayan ng Kabihasnang Asyano: 2014
Kasaysayan ng Mundo: 2015
Ekonomiks Para sa Umuunlad na Pilipinas: 2016
Mga Kontemporaneong Isyu: 2018
Nagtataglay ang serye ng sumusunod:
- mayaman at tiyak na mga impormasyon
- mga impormasyong sa tuwina’y iniuugnay sa kasalukuyang panahon
- mga araling naglalayong masukat ang mga konsepto at mga natutuhan sa mga aralin sa pamamagitan ng kritikal na paraan
- mga tanong na nagpapaigting sa pagiging mapanuri ng mga mag-aaral
- may mga buod na nagbubuklod sa mga konsepto at mahahalagang kaisipang natutuhan
- malalalim na pagsasanay para sa isang lohikal na pagsusuri sa makatwirang pagharap o pagtugon sa mga suliranin at isyu, malawak na pag-unawa sa mga konsepto at kasanayan, at higit sa lahat, buhay na damdaming makabansa at maka-Pilipino
Ang bawat aklat sa seryeng ito ay magsisilbing gabay ng mga mag-aaral tungo sa iba’t ibang kasanayang nakatutulong sa pag-aaral, sa pakikipag-ugnayan, at sa pakikibaka sa buhay.
Kalakip sa seryeng ito ang isang learning guide na gagabay sa mga guro sa kanilang pagtuturo.
