Pilipino: Lahing Makabayan
Ang serye sa Araling Panlipunan na huhubog sa kabataan upang maging maka-Diyos, makabayan, makatao, at makakalikasan.
Author/s
Ernestina M. De Guzman, Wivina H. Migriño, Imelda M. Manahan, Ma. Joan S. Samson, Anita P. Enecilla, at Lucia R. Limpin; Koordineytor Gng. Gloria L. Cruz; Project Director: Sr. Josefina F. Nebres, ICM
Level/s
Prep; Baitang 1, 2, 3, 4, 5, at 6
Alinsunod sa Basic Education Curriculum (BEC), sadyang ipinaloob sa seryeng Pilipino: Lahing Makabayan ang integrasyon sa ibang asignatura—Wika, Sining, Musika, Agham, at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan. Sa pamamagitan din ng seryeng ito, nililinang ang kaalaman ng bawat mag-aaral tungo sa pambansang pagkakakilanlan at pagpapaunlad ng kabuhayan.
- Tumatalakay sa mahahalagang isyung hindi matatagpuan sa ibang aklat
- Nagbibigay-daan sa mapanuri at malikhaing pag-iisip tungo sa makabuluhang pagpapasiya sa iba’t ibang usapin
- Pinalalawak ang kaisipan ng bawat mag-aaral upang maging produktibong mamamayang Pilipino
- Ang buong serye ay inihanda para sa bawat mag-aaral upang makatugon sa pangangailangan sa asignaturang sibika at kultura.
Mga Komponent:
- Batayang Aklat—Naglalaman ng makabagong mga pananaw, napapanahong mga halimbawa, at mga
usaping nagpapalalim sa ugnayan ng sangkatauhan kasama ang kapwa, ang kapaligiran, at mga bagay na magpapatatag sa diwang makabayan ng bawat Pilipino. Binibigyang-diin din dito ang mga aspekto kung saan hinuhubog ang kabataan upang hindi lamang maging makatao at makakalikasan kundi upang maging maka-Diyos. - Patnubay ng Guro—Nagbibigay-gabay sa mga guro upang lalong maging epektibo ang pagkatuto ng bawat mag-aaral nang sa gayo’y maging makabuluhan sa kanilang buhay.
