Padayon: Araling Panlipunan sa Siglo 21
Hinuhubog ang kabataaan upang maging “mamamayang mapanuri, mapagnilay, responsable, produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao, na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa Pilipinas, Asya, at daigdig sa nakaraan at kasalukuyan, tungo sa pagpanday ng kinabukasan” gamit ang mga kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng iba’t ibang disiplina ng agham at araling panlipunan.
Author/s
Araling Asyano at Kasaysayan ng Daigdig: Ronaldo B. Mactal, PhD
Mga Kontemporaneong Isyu: Awtor-Koordineytor: Ronaldo B. Mactal, PhD
Economics: Sarah Alviar-Eisma; Awtor-Koordineytor: Ronaldo B. Mactal, PhD
Level/s
High School
Karapatang-ari
Araling Asyano: 2015
Kasaysayan ng Daigdig: 2015
Kontemporaneong Isyu: 2017
Kalakip ng serye ang sumusunod:
1. Learning Guide
2. TRCD
3. Curriculum Map
- Integratibo, multidisiplinaryo, at interdisiplinaryo. Gumamit ng pamamaraan at lapit ng iba’t ibang sangay ng araling panlipunan gaya ng heograpiya, agham pampolitika, kasaysayan, antropolohiya, ekonomiks, at iba pa sa pag-unawa sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan sa Pilipinas, Asya, at daigdig.
- Isinakatuparan ang “learner-centered philosophy” sa pagkatuto. Ang kinakailangang pag-unawa at pagganap bilang pagtupad sa takdang pamantayan sa bawat yunit ay tinutuklas at nililinang mismo ng mag-aaral sa paggabay ng guro mula sa kanyang aktibong pakikilahok, pansariling karanasan, pagninilay, at realisasyon sa iba’t ibang paksa at isyu sa lipunan sa Pilipinas, Asya, at daigdig noon at ngayon.
- Gumamit ng “inquiry based” na estratehiya sa paglinang ng pagkatuto. Hinahamon ang mga mag-aaral na tumuklas ng ibang mga posibilidad ng katotohanan o proseso sa pamamagitan ng paggamit ng higit na mataas na antas ng kasanayan sa pag-iisip (higher order thinking skills) sa pagsusuri, pagbuo ng pagpapasiya, at paglalahad ng paninindigan sa iba’t ibang isyung pambansa, panrehiyon, at pandaigdig sa nakaraan at kasalukuyan.
- Gumamit ng “outcomes based” at awtentikong pagtataya ng pagkatuto. Higit na binigyang-halaga ang awtentikong pagtataya sa pagsukat ng pagkatuto alinsunod sa DepEd Order No. 31 series of 2012. May kalakip na rubrics ng mga pagtataya ang bawat yunit.
- Makabuluhan, makabago, at napapanahon. Naglalaman ng pinakabagong impormasyon, estadistika, datos, mapa, larawan, at pilimpiling primarya at sekundaryang sanggunian kalakip ang mga aktibidad at pagsasanay na magpapalalim sa kaalaman at lilinang sa iba’t ibang kasanayan ng mag-aaral tulad ng pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasiya, at mabisang komunikasyon.
Batayang Aklat – Integratibo at inter-aktibong batayan at sanayang aklat sa Araling Panlipunan alinsunod sa lahat ng pamantayan at pangangailangan ng K to 12 Curriculum at mga simulain, katangian (features), at pamamaraan ng Understanding by Design (UbD).
Learning Guide – Masinop at organisadong isinaayos ang daloy ng Gabay sa Pagkatuto alinsunod sa tatlong yugto ng proseso ng pagkatuto ng Understanding by Design (UbD). Hindi lamang sumunod sa itinatakda ng Inaasahang Bunga (Unang Yugto) at Pagtataya ng Ebidensiya (Pangalawang Yugto) ng DepEd ang Gabay sa Pagkatuto kundi hinigitan pa nito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iba pang hakbang o bahagi na alinsunod sa mga simulain at katangian ng UbD. Bilang pagtupad sa kurikulum at UbD, inorganisa ang Gawaing Instruksiyonal sa tatlong yugto o bahagi na layuning malinang sa bawat hakbang ang kinakailangang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral upang kanilang matugunan ang inaasahang bunga (transfer goal) at inaasahang produkto sa bawat yunit. Ipinaloob ang mga aralin na binubuo ng mga paksa ayon sa pamantayang pangnilalaman ng kurikulum sa mga hakbang ng Gawaing Instruksiyonal.
