Musika, Sining, at Edukasyong Pangkatawan
Inihanda ang seryeng ito para maunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng musika, sining, at edukasyong pangkatawan bilang bahagi ng kanilang paglago sa pag-iisip, pangangatawan, at pagiging malikhain.
Author/s
Violeta E. Hornilla, Isabelo R. Magbitang, at Servillano A. Padiz, Jr.
Level/s
Baitang 3, 4, 5, at 6
Karapatang Ari
Baitang 3: 1995
Baitang 4: 1995
Baitang 5: 1998
Baitang 6: 1998
Binibigyang-diin nito ang paghuhubog ng pagtitiwala ng mga mag-aaral sa kanilang kakayahan sa pamamagitan ng mga gawaing pangmag-aaral sa sining, musika, at edukasyong pangkatawan. Kabilang sa mga positibong layunin ng serye ang:
- pagpapaliwanag ng inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral sa bawat yunit;
- paggamit ng mga araling maiuugnay sa kabutihang-asal;
- paggamit ng mga lokal na materyales bilang pamalit sa mga may-kamahalang kagamitan na kailangan sa pag-aaral ng musika, sining, at edukasyong pangkatawan; at
- pagkikintal ng mayamang kulturang Pilipino na may kaugnayan sa musika, sining, at edukasyong pangkatawan.
Mga Komponent:
Sanayang Aklat—Puno ng mga gawaing nagbibigay ng positibong kamalayan sa mag-aaral sa pagmamasid, pagbibigay-kahulugan, at masusing pagpapahayag ng mga kagandahang kanilang nakikita, naririnig, at nararamdaman
Patnubay ng Guro—Naglalaman ng mga malikhaing pamamaraang makatutulong sa mga guro na maipahayag nang may kawilihan at kalayaan ang kanilang pagkamalikhain sa tatlong asignatura
