Scan to view
Our Textbook Catalogs

Kasaysayan ng Mundo

Masinsing itinuturo ng binagong aklat ang iba’t ibang panahong bumubuo sa makulay na kasaysayan ng daigdig. Mahusay na sinala ang mga aral at saloobing napapaloob sa bawat leksiyon at iniugnay ang mga ito sa kasalukuyang panahon.

Author/s

Bro. Andrew Gonzales, FSC, Cristina R. Velez, at Elyria C. Bernardino

 Level/s

High School

Textbook Copyright

2002

Serye ng Phoenix sa Araling Panlipunan

Iniwasto at Isinapanahong Edisyon

Lalong pinagyaman, ang Kasaysayan ng Mundo ay—

  • komprehensibong tumatalakay sa kasaysayan ng Kanluran, sa ginawa nitong pagpapalawak at pagsakop sa mga lupa sa Bagong Mundo at Asya, iba’t ibang panahon ng tao, at mga digmaan
  • naglalaman ng mga karagdagang bagong paksa upang maging napapanahon ang mga aralin
  • may talasanggunian na nagsisilbing gabay at panghikayat sa karagdagang pagsasaliksik ng mga mag-aaral at talatuntunan upang mapadali ang cross‑reference
  • may apendiks na naghahandog ng organisadong presentasyon ng mahahalagang pangyayari sa mundo sa paraang madaling basahin

Teksbuk— Naglalaman ng makabagong mga estratehiya, mga gawaing nagpapayaman sa kasanayang kognitibo ng mga estudyante, at mga tulong sa pag‑aaral tulad ng Talasalitaan, Gawaing Pantalakayan, at Karagdagang Gawain.

Patnubay ng Guro— Naglalaman ng detalyadong mga hakbang sa pagtuturo ng bawat aralin sa teksbuk.