Pagpapakatao: Paghuhubog ng Pagkatao para sa Pagtibay ng Bansa
Ang Pagpapakatao: Paghuhubog ng Pagkatao para sa Pagtibay ng Bansa ay naglalayong hubugin ang mga kabataan sa mga pagpapahalagang makatutulong upang mapagbuti ang kanilang mga katangian at aktibong makapag-ambag sa pagtibay ng bansa.
Author/s
Kindergarten 2: Ulalia Gelia Y. Tandog
Grade 1: Leah E. Edodollon
Grade 2: Jakielou T. Alvaro
Grade 3: Ma. Emperatriz C. Gabatbat
Grade 4: Jose B. Dango
Grade 5: Jose B. Dango, Josephine C. Dango, Ma. Emperatriz C. Gabatbat, at Leah E. Edodollon
Grade 6: Mercy N. de Guia
Author/s
Josephine C. Dango
Level/s
Kindergarten 2; Baitang 1, 2, 3, 4, 5, at 6
Dinisenyo ang serye para sa mga mag-aaral sa 11 antas (mula Kindergarten hanggang Baitang 10). Ang serye ay batay sa Kurikulum ng K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao ng Department of Education (DepEd) kabilang ang mga karagdagang paksa na makatutulong upang higit na mapaunlad ang kanilang pagkatuto.
Ang serye ay sumunod sa proseso ng paglinang sa limang pangunahing kakayahan: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya, at pagkilos.
Mabisang ginamit sa pagbuo ng mga aralin sa seryeng ito ang limang pangunahing kakayahan upang matulungan ang mga mag-aaral, na sa bandang huli, ay makalinang ng mga kaaya-ayang katangian at gawi.
Habang ang mga mag-aaral ay dumaraan sa mga aralin sa serye, matututuhan nila ang mga sumusunod:
- pagpapakatao at pagiging kasapi ng pamilya;
- pakikipagkapwa;
- pagmamahal sa bansa at pakikibahagi sa pandaigdigang pagkakaisa; at
- pagiging maka-Diyos at preperensiya sa kabutihan.
Ang Pagpapakatao: Paghuhubog ng Pagkatao para sa Pagtibay ng Bansa ay katuwang sa pagsulong ng pambansang adhikain ng edukasyon—makapagbigay ng isang pinagbuting edukasyon na tutulong sa mga indibidwal sa lipunan na makamit ang kanilang mga potensyal bilang isang tao at mapagbuti ang kanilang mga kakayahan at katangian sa loob ng isang pangkat.
Sa katapusan ng programa sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa antas primarya, ang mga mag-aaral ay:
- may masidhing hangaring magtagumpay sa sariling pagsisikap;
- mapagmahal sa pamilya;
- mayroong disiplina at maaasahan;
- may malawak na pag-iisip at maayos na pag-uugali;
- makabayan at kapaki-pakinabang na mamamayan; at
- mapagmahal at malalim ang pinag-uugatan ng pananalig sa Diyos.
